Former ABS-CBN journalist, Ira Panganiban fb post regarding war against illegal drugs gone viral with 4000 shares for 9 hours!


Former ABS-CBN journalist and current Wheels Philippines Magazine editor-in-chief Ira Panganiban shared the common sentiments of an ordinary people. On his Facebook timeline, Panganiban post gone viral. It genarated over 4,000 shares for 9 hours. Panganiban talked about the intensified anti-drug campaign of President Duterte. He shared his conversavation with his firends in Agham Road. He hits back the politicians who kept on saying,"nababahala o nakakabahala sa mamamayan" to make it more specific when doing a speech in public. Panganiban wondered who they were talking about. When in fact, according to his friends, "nawawala ang pagkabahala ng mamamayan dahil natatakot na ang mga kriminal." The post has been received well by the netizens. They praised Panganiban for his well written statement.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Read the full statement of Ira Panganiban:

Puwede ba yung mga politiko na mahilig magsabi na nababahala o nakakabahala sa mamamayan paki-linaw kung sino yung nababahala na mamamayan.
Kasi base sa mga kausap ko, nawawala ang pagkabahala ng mamamayan dahil natatakot na ang mga kriminal.
Teka, let me explain. Hindi ho ako mayamang journalist. Mayabang lang ho ako talaga.
Ang lugar ko ho ay QC or Kyusi. Sa Philcoa, Crus na Ligas, Cubao, Kamias Kamuning. Dun sa madaming squatter.
Paborito ko po sila kasama sa inuman at kuwentuhan dahil sobrang interesting ang kanilang mga kuwento. Madali sila paligayahin. 2 case ng beer, litsong manok tsaka yosi game na ang gabi.
Yung driver ng utol ko sa Payatas nakatira. Kengkoy si Mang Jun, akala mo walang problema kung magpatawa.
Lahat sila kaya pagtawanan ang sarili. At kung gaano nila asarin ang sarili ganun din nila asarin ang iba.
Nung sinabi sa pagdinig sa Senado na takot na takot ang mamamayan sa mga pagpatay sa mga pusher at sira ulong adik agad ako nakipaginuman sa Agham Road. Dun madaming tulak sa pagka-alam ko.
Nagulat ako dahil pagdating ko sa tambayan na tindahan ni Aling Isyang, wala yung boys dun. Sabi ni Aling Isyang sa bahay daw ni Boy yung tropa.
Tumuloy ako kila boy. Andun nga sila at ayaw nilang uminom sa labas. "Bawal sabi ni Kapitan, magagalit si Digong," sabi ni Boy.
Sabi ko "Aba at sumusunod ka kay Kapitan!" Sagot ni Boy "Eh si Digong sumusunod kay Bato kami pa kaya kay Kapitan!"
Hindi ko alam saan galing yun pero iba ang dating nun sa mga tambay. Hinanap ko si Bansot, wala pa daw at nasa trabaho. Sabi ko "si Bansot?" Sabi nila nagbago na daw pagkatapos makinig kay Digong sa SONA.
Kinumusta ko si Dick, yung siraulong tulak sa lugar nila. Wala na daw. Mula nung kinatok at sinabihan biglang umalis. Wala na daw tulak dun. Tag-hirap mga adik.
Mahal na din ang bato (shabu). Wala ng tag-piso (P100). Ang isang gramo ay balik P8,000 na ulit. At P500 ang pinakamura.
Napansin ko din na yung mga dalaga ay labas pasok na sa looban. Hindi na ninenerbiyos gumalaw. Kampante sila at pati si Boy na turing bastos at maayos na.
Sabi ko "parang tahimik dito idol?" Sagot ni Boy "simula nung umupo si Duterte tumahimik ng konti dito. Takot sila masampolan."
So tinanong ko "di ka ba takot madamay?" Sabi ni Boy "basta iwas pusoy lang idol. Layo lang sa gulo. Yung napapatay, kasalanan nila yun. Sabi sa kanila tigil na tuloy pa din sila eh sinabihan na sila."
Dito ko naisip na iba ang pamantayan sa buhay, batas, tama at mali sa mga taong ito. Itong mga nasa laylayan ng lipunan ay nabubuhay sa malupit na mundo.
Ang mga nakakasakit na salita sa atin ay balewala sa kanila. Sanay na sila dun. Hindi sila sanay sa buladas at bolahan. Deretso sila kausap. Pasok kung pasok, patay kung patay.
Ang matindi nito nakikita nila si Duterte na isa sa kanila. Yung pagmumura, galit sa kriminal, walang tiwala sa politika at mayaman, ganun sila lahat.
Susunod sila kay Duterte hanggang impiyerno kung kailangan dahil hindi sila binili ni Digong. Kusa ang suporta nila, may tatak ng pagmamahal at balot ng pag-idolo.
Mahirap magmahal ang mga ito. Sa sobrang dami at pait ng kabiguan nila sa buhay, bihira sila magmahal.
Kung akala natin nauuto natin sila ng kaunting pera at mga bigong pangako tayo ang tanga. Dahil nakatira sila sa lupang hindi kanila, walang buwis na binabayaran at binibigyan pa din natin ng pera.
Pero si Duterte ay idolo nila at naiintindihan nila kung ano ang plano ng pangulo para sa kanila. At susunod sila sa kanya.Tayo lang yata ang hindi. #syetdapwet
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

No comments

Powered by Blogger.