BREAKING NEWS: Dating Pres. Aquino sinampahan na ng kasong Graft at ilan pang kasong kriminal


Sinampahan ng graft at ilan pang mga kasong kriminal sina dating Pangulong Benigno Aquino III at dating Finance Secretary Cesar Purisima dahil sa umano'y pagkabigo ng dalawa na kolektahin ang aabot sa P100-bilyong buwis ng  Pilipinas Shell Petroleum Corp. (PSPC) mula 2004 hanggang 2009.
Nagsampa nitong Miyerkules ng graft at criminal charges laban sa dalawa ang Bureau of Customs at isang newspaper publisher dahil umano sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at sa Executive Order 226, na may kinalaman sa doktrina ng "command responsibility" ng lahat ng mga opiyales ng gobyerno.
Nakabatay din ang mga reklamo sa Sections 3601 at 3604 ng Tariff and Customs Code na may kinalaman naman sa "smuggling."

Idinawit umano si Aquino ng mga complainant dahil siya ay may "direct control and supervision" sa lahat ng mga opisyales ng gobyerno sa panahon ng kanyang panunungkulan.

Kabilang din sa mga kinasuhan sina PSPC Chairman and President Edgar Chua, Vice President for Communications Robert Kanapi, Country Tax Manager Nigel Avila at iba pang "John Does."
Ito na ang ika-limang kasong isinampa laban kay Aquino mula ng bumaba siya sa pwesto noong June 30.
Nahaharap din si Aquino sa tatlong iba pang mga reklamo kaugnay sa madugong Mamasapano, Maguindanao encounter na ikinasawi ng mahigit 60 na tao, kabilang ang 44 na police commandos, at isa pang asunto kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP).

Kabilang sa mga complainant sa graft case ay sina ex-Customs Commissioner Napoleon Morales, ex-BOC district collector Juan Tan, at Headlines News Today publisher Lourdes Aclan.
Inakusahan nila si Aquino at Purisima dahil hindi nila hinabol ang PSPC sa pagkabigo nitong magbayad ng nararapat na buwis sa mga inangkat na langis, na umano'y idineklara pa na "non-taxable products."
“[T]he government is deprived, as it is continuously being deprived, of the huge amount of money, which would have been collected, had they not been remiss in the performance of their official functions,” pahayag ng mga complainant sa kanilang reklamo.

Batay din sa reklamo, hindi umano nakapagbayad ng kabuuang P7.348 bilyon na excise taxes at value added taxes ang PSPC sa imports nito mula 2004 hanggang 2009.

Dagdag pa, binago umano ng kumpanya ang "tariff classification" ng unleaded gasoline shipment nito at sinabing "tetrapropylene and subsequently, alkylate" ang mga shipment at ang mga ito ay  "not subject to taxes."
Sumulat umano si Aclan noong 2011 kay Purisima upang ipaalam na hindi sinigil ni dating Customs Commissioner Ruffy Biazon ang PSPC sa alkylate shipments.

Sagot umano ni Purisima, ayon kay Aclan, "the matter was within jurisdiction of the district collector."
Gayundin, sinulatan umano ni Aclan noong 2012 si dating Pangulong Aquino upang ipaalam ang umano'y pagtanggi ni Purisima at Biazon na singilin ang PSPC sa tax duties nito.

“However, even with his authority and power to order Secretary Purisima, Comm. Biazon and Col. Benavidez to act on the matter and demand the payment from PSPC, President Aquino ignored complainant Aclan’s letter with indifference, as the PSPC controvert was left unanswered until he stepped down from office on June 30, 2016,” ayon sa reklamo ng mga complainant.

Sa pagtataya ng mga nagreklamo, nalugi ang pamahalaan ng aabot sa mahigit  P100 bilyon, kabilang ang mga interest at surcharge at ang 800% penalty laban sa PSPC.

Batay umano sa kanilang mga ikinilos, naniniwala ang mga complainant na: "Aquino, Purisima and their co-accused were silenced into submission by PSPC."

“Since 2011, the former President and DOF Secretary did nothing but allowed PSPC to continuously use the P7.348 bilyon and P1.99 bilyon government revenue for its own use and benefits, thereby giving it unwarranted benefits, and causing undue grave injury to the government,” ayon sa kanila [source]


No comments

Powered by Blogger.