MILF & MNLF to help wipe out Abu Sayaff


Hinimok ng isang mambabatas ang Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tulungan ang gobyerno sa kampanya nito laban sa bandidong Abu Sayyaf group.

Ito ang iminungkahi ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, sa halip na kunin pa ang serbisyo ng mga mercenaries para pulbusin ang Abu Sayyaf kasunod ng mga terorismong ginagawa nito sa bansa.

Ayon kay Baguilat, higit sa pagresponde ng mga militar, kailangan ng pamahalaan ng mabilis at maaasahang intelligence, na maaring maibigay ng MNLF at MILF.


Sa ngayon, mahigit 9,000 na sundalo na ng Armed Forces of the Philippines ang ipinadala sa Sulu para supilin ang Abu Sayyaf.


Matatandaang noong Linggo ay sinabi ni Agriculture Sec. Emmanuel Piñol na handa si Pangulong Duterte magbayad sa mga hatchet man para lang ubusin na ang bandidong grupo.


No comments

Powered by Blogger.