MUST READ: People Behind De Lima's Drug Trade


Sinabi ni Secretary Of Justice Vitaliano Aguirre na ang imbestigasyon kaugnay ng Drug trafficking sa New Bilibid Prison ay hindi magtatapos sa pagkakasangkot ni Senadora De Lima. May mas matataas pa raw. 
Ang mga amo ni dating Secretary of Justice Leila De Lima sa nakalipas na pamahalaan ay sila dating Presidente Noynoy Aquino, dating Executive Secretary Jojo Ochoa at dating Senate President Franklin Drilon. 
Paulitulit naman itinuturo ni Pangulong Duterte ang mga dilawan na nanggugulo at pilit na pinatutumba ang kaniyang pamahalaan. Kasalukuyang may mga pagdinig sa Mababang Kapulungan (Lower House of Congress) kung saan ang mga tanyag na preso sa Pambansang Kulungan ay nagdadawit kay dating Justice Secretary De Lima na nakipagsabwatan sa big time Drug Lord na si Jaybee Sebastian upang durugin ang mga kalaban sa negosyonpara mapasa kanya ang buong drug trade sa piitan. Bilyong piso ang perang pinag uusapan sapagkat sa NBP, gamit ang mga cell phone, nagkakabilihan ng droga na binibenta s buong Pilipinas.
Nagtataka ang Philippine National Police kung bakit yung kanilang pinaplanong paglusob at pagraid sa NBP  (nuong nakalipas na administrasyon last 2014) ay sinagawa ng hindi sila kasama samantalang sila ang orihinal na nagplano nito. Nagulat nalang sila na ang pag raid ay pinamunuan na nila  Heneral Garbo at grupong nasa ilalim ni Executive Secretary Jojo Ochoa na gumawa ng paghahalughog. Si Heneral Garbo ay pinangalanan ni Presidente Duterte bilang pinakamataas sa 5 sangkot na PNP NARCOGENERALS.  [source]

No comments

Powered by Blogger.