PNP makikipag-ugnayan sa Interpol para maaresto si Kerwin Espinosa


Makikipag-ugnayan ngayon ang pambansang pulisya sa Royal Malaysian Police tugisin ang top drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.

Ayon kay PNP chief PDGen. Ronald Dela Rosa na ngayong may warrant of arrest na si Kerwin gagawin ng PNP ang lahat para maaresto ito.

Sa ngayon kasi, tanging hawak lamang ng PNP ay ang records mula sa immigration sa Malaysia.

Sinabi ni Dela Rosa na hanggang sa ngayon wala pang exit records na namonitor kay Kerwin.

Si Kerwin ay sinampahan ng kasong illegal possession of firearms habang ang ama nitong si Mayor Rolando Espinosa ay nahaharap sa kasong posession of illegal drugs at illegal posession of fireams.

Kahapon inilabas na ang warrant of arrest laban sa mag-ama.    

Binigyang-diin ni Dela Rosa na makikipag-ugnayan sila sa International Police (Interpol) para maaresto si Kerwin.

Ibinunyag din ni Dela Rosa na may impormasyon silang natatanggap na nagparetoke na naman ng mukha si Kerwin upang hindi makilala ng mga otoridad.

Duda din si PNP chief na ngayong nakakulong na ang ama nito, malabong lulutang pa si Kerwin.

No comments

Powered by Blogger.